Monday 26 March 2012

 Mga Repleksyon





                                                                                         
                                                                                        Julie Anne Tagala III-1



Tula


Ikaw na nga

Ako’y natulala nang ikaw ay makita
Dahil sa katangian mo ako’y napahanga
Taglay na kabutihan ang iyong inilaan
Para sa pag-ibig sa puso ko na nananahan

Aking mundo na puno ng duda
Nang dahil sa iyo ay nawala ang dusa
Ikaw na ang mundo ko
Ngayon man o sa tuwina.

Daig pa ang linya sa mga kanta
O isang tula at taong makata
Upang pag-ibig ko sa iyo ay maipakita
Ako nalamang ay gagawa ng tula

Kaya naman pasasalamat ang alay ko sa iyo
Nang dahil sa pag-ibig mo nabuo ang mundo ko
Nawa ay hindi mo baliwalain ito
Dahil para sa iyo naging makata ako.


                                                              Janica P. Toralballa

Mga Akda: Una hanggang Ikaapat na Markahan

































Kristine S. Yadan III-1
Koleksyon ng mga Akda


Unang Markahan

Ikalawang Markahan

Ikatlong Markahan

Ikaaapat na Markahan



Tula
Kristine S. Yadan III-1


Dito Ka Lang Mahal Ko

Hindi ko maintindihan,
Itong aking nararamdaman,
Isip ko’y litong-lito,
Puso nama’y gulong-gulo!

Bakit ba sa tuwing nariyan ka?
Para bang nahihiyang magpakita,
At sa tuwing wala ka naman,
Hanap-hanap ka, nagtatanong kung saan!

Minsa’y hindi mapakali,
At minsa’y hindi matahimik,
Itong pusong huhimig,
At sa iyo’y nais umawit,

Na dito ka lang mahal ko,
Wag nang aalis sa tabi ko,
Iiyak ang aking puso,
Kapag sa akin ika’y lumayo



Liham
Kristine S. Yadan III-1



Mahal kong Nanay, (Jessha) 
 
       Matagal na rin ang ating pinagsamahan. Una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa mga oras na kasama kita, magkakasama tayo.
Naging maganda ang pakikitungo mo sa amin kahit hindi mo kami ganoon kakilala. At higit sa lahat ay salamat sa kabaitang ipinadama mo sa akin.
       Noong una’y may mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Naisip kong baka hindi tayo magkasundo dahil buhat pa ng nasa elementarya tayo ay lagi tayong nag-aaway. Ngunit sa ngayon ay kit among nagging nanay pa kita.
       Patawad ng minsa’y dahil sa amin ay napagalitan ka ng iyong lola. Konting tiis na lang makakaalis ka rin doon.
       Kahit na magkakalayu-layo na tayo sana’y maalala mo parin ang ating pinagsamahan. Nandito lang ako para sayo tutulong, magbibigay ng payo at sasaway sa iyo kapag may pagkakamali kang ginawa. Maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita Nay!


Nagmamahal,
Karistine S. Yadan   








DINGGIN ANG SIGAW NG DAMDAMIN!

Sa tuwing ikaw ay aking makikita,
Sa iyo, ako’y laging natutulala,
Aking katawa’y bigla-biglang nanghina,
Sa t’wing pinagmamasdan ang iyong mukha!

Umaasa nalang sa nakaw na tingin,
At sa Panginoon ay nanalangin,
Na ako’y iyo na ring mabigyang pansin,
At sa huli’y makuha mo ring mahalin!

Di ko hinahangad na masuklian mo,
Itong labis na pagsinta ko sa iyo,
Nais lang na sana’y pahalagahan mo,
‘tong pagsuyong handog ng puso ko sa’yo!

Maraming pagkakataon na’ng dumating,
Ngunit ‘pag nar’yan na’y ‘di ko maamin,
Sa ganitong paraan, sana’y mapansin,
Itong sinisigaw ng aking damdamin!


“ALAALANG ‘DI KO BIBITIWAN”

DI KO ALAM KUNG SAAN MAGSISIMULA. DI ALAM KUNG ANONG NAKATAKDA. SINU-SINO ANG MAKAKASALAMUHA, SINU-SINO ANG MGA BAGONG MAKIKILALA. MARAMING KATANUNGAN ANG PUMASOK SA AKING ISIPAN. ITO AY MAGMULA NANG TUMUNTONG AKO SA IKATLONG TAON SA SEKONDARYA.

NOONG UMPISA, LAGI KONG INIISIP KUNG ANO NGA BA ANG KAIBAHAN NG BAGONG KARANASANG ITO MULA SA AKING UNA AT IKALAWANG TAON? MAGIGING MASAYA RIN BA ITO TULAD NG MGA NAUNA? MAGIGING MAHIRAP DIN TULAD NG DALAWA BA? O ‘DI KAYA NAMA’Y MAS MAHIGPIT PALA? NGUNIT NGAYONG NASA DULO NA KO NG PAGLALAKBAY KONG ITO AY NASAGOT DIN ISA-ISA.

MASASABI KONG ‘DI NAGING MADALI ANG NAGING BUHAY KO RITO. MAY MGA PAGKAKATAONG TALAGANG SINUSUBOK AKO. TULAD NA LAMANG SA PAGLALAKBAY IKA NGA. DUMAAN AKO SA MGA LUBAK NITO AT KUNG MINSAN PA NGA’Y TILA WALANG DULO, WALANG KATAPUSAN! ANG TANGING NAGAWA KO NA LANG AY ANG SUUNGIN ITO, TUMAYO’T MULING LUMABAN.

DITO, UNA KONG NAKAMIT ANG NAIS NA TAGUMPAY. KAHIT PA SA TINGIN NG IBA’Y NAKUHA KO NA ITO, MAY ISANG BAGAY PA RING ‘DI PA NATATAMO. ANG PAGKAPANALO KO BILANG 7TH AT 9TH PLACER SA PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS AT BALITA SA DSPC ANG PINAKAAASAM KO. TUWANG-TUWA TALAGA ‘KO SA NAKUHA KO DAHIL SA WAKAS, ALAM KONG MAY NAPATUNAYAN NA AKO SA SARILI KO. SINAMAHAN PA ITO NG PAGKA-QUALIFIED KO SA RSPC NA TALAGANG NAGING DAHILAN KUNG BAKIT MAS GINUGUSTO KO PANG MAG-ARAL.

SA NGAYON, HINDI PA TUMITIMO SA AKING ISIPAN NA LILISANIN KO NA ANG THIRD YEAR DAHIL AYOKO PANG BITIWAN ANG MGA ALAALANG NABUO KO RITO BILANG ISANG KAIBIGAN, KAKLASE AT HIGIT SA LAHAT BILANG MAG-AARAL. ALAM KONG PALAPIT NA NANG PALAPIT ANG ARAW NA LILISANIN KO ITO NGUNIT PASASAAN BA’T DARATING DIN ANG ARAW NA IYON KAYA NGAYON MAS GUSTO KO NA LANG NA MAGING MASAYA KAYSA ISIPIN PA ANG PERIODICAL TEST AY ESTE PROBLEMA PALA! BABAUNIN KO NA LANG ANG LAHAT NG ALAALA IBINAHAGI SA AKIN NINA GNG.MIXTO, GNG.MANLAGÑIT, GNG.SAN JOSE, GNG.TAPAR, GNG.MARQUEZ (TEKA HINIHINGAL NA ‘KO…PERO GO PA RIN!) GNG.RAMOYA, BB.CERILO, GNG.ABEJERO AT NI BB.SANTOS NA WALANG SAWANG NAGPASENSYA SA AMIN (TOTOONG BAYANI KAYO!). GAYUNDIN, ANG ALAALA NG AKING MGA KAKLASE (IISA-ISAHIN KO PA BA?...’WAG NA), TOTOONG NAGING MASAYA AKO KAYA SANA ‘WAG NATING KALIMUTAN ANG ISA’T ISA. MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT, SA MGA ALAALANG PINAGSAMAHAN NATIN, AYOKO MANG MAGPAALAM NGUNIT ITO ANG KATOTOHANAN KAYA MARAMING SALAMAT NA LANG.