Tuesday 17 January 2012

Impeng Negro


Impeng Negro
                Si Impen ang nag-iisang maitim sa kanilang pamilya kaya naman siya na lamang lagi ang pinag-iinitan at inaasar sa kanilang lugar. Ang kaniyang ina ay nakailang asawa na dahil iniiwan din siya ng mga ito. Ang kaniya namang ama ay anak ng iasng negrong sundalo na pagkapanganak niya ay iniwan din sila.
            Isa si Ogor sa mga kapitbahay nila na itinuring na niyang kaaway dahil sa mga pang-aasar at pananakit nito sa kaniya. Kaya naman sa tuwing lalabas siya ng bahay upang mag-agwador ay lagi siyang pinaaalalahan ng ina na huwag na lamang patlan si Ogor. At iyon nga ang ginawa niya. Nagtiis at nanahimik na lamang siya.
            Ngunit isang araw sa igiban habang siya ay nakapila ay nagkaroon sila ng pagtatalo ni Ogor na humantong sa sapakan at bugbugan. Noong una ay si Impen na ang lamang at sumunod ay si Ogor. Subalit sa huli ay si Impen parin ang nangibabaw at nagwagi.

                                                                            
 Ibinuod ni:
                                                                            
 Shenna Suralta III-1

Himala

Himala
ni Ricardo Lee




        Sa Cupang, isang maliit na bayan sa probinsya, dinaranas ng mga taong naninirahan doon ang tagtuyot kung kaya naman pinaniniwalaan nilang isinumpa ang kanilang lugar nang itaboy nila ang isang maysakit na tao ilang taon na ang nakararaan.
         Si Elsa, dalagang nakatira roon, ay nakita ang Mahal na Birhen sa tuktok ng isang burol. Noong una'y walang naniniwala sa kanya. At kahit ang kanyang ina-inahan ay pinagalitan pa siya sa kanyang pagkukuwento. Ngunit ilang araw matapos noon, nagsimula na siyang magpagaling ng mga residente ng Cupang. Tinulungan siya ng kanyang matagal nang kaibigang si Chayong, at isa pang taga-roon na nagngangalang Sepa.
         Dahil doon, pumunta na ang maraming tao sa Cupang, maging mga dayuhan, para bumisita sa tinawag na nilang "Elsa's Shrine". Kasabay nito, nagsimula na rin ang kasakiman. Ang ilang mga residente ng Cupang ay nag-umpisang magtayo ng iba't ibang negosyo para lamang kumita ng maraming pera mula sa mga turista.
         Si Orlie, isang taong gumagawa ng pelikula, ay pumunta sa bayan para imbestigahan ang nagaganap na kaguluhan at higit sa lahat, si Elsa. Si Nimia, isa pang kaibigan ni Elsa mula pagkabata, na ngayo'y isa nang bayarang babae ay dumating mula sa isang madilim na kahapon sa Maynila. Umuwi siya sa Cupang para magtayo ng cabaret para sa mga turista. Ngunit ilang araw pagkatapos, kinailangan nitong magsara dahil samga reklamo ng ilang mga residente.
         Sina Elsa at Chayong naman, na patuloy pa ring umaakyat sa burol para manalangin sa Mahal na Birhen, ay nagahasa ng dalawang hindi makilalang lalaki. Ang hindi alam ng marami, nakunan ito ng kamera ni Orlie.
         Nagkaroon naman ng epidemya ng kolera sa Cupang, at maraming mga bata ang namatay.  Apektado maging ang mga anak ni Sepa. At kahit na nagpunta si Elsa para dasalan at pagalingin ang dalawang ito, namatay pa rin sila. Noong gabi ding iyon, nagbigti si Chayong nang dahil sa panggagahasang ginawa sa kanya. Matapos ang lahat ng pangyayari, sinisi ni Elsa ang kanyang sarili.
       Unti-unti na ring nag-aalisan ang mga turista dahil sa mga pagkamatay na nangyayari at dahil na rin sa pagpatay sa mayamang Intsik na dumayo rin para kay Elsa. Nang inakala ng lahat na minalas na naman ang kanilang bayan, kumalat ang balitang nagdadalantao si Elsa. Dahil sa hindi alam ng mga tao na nabuntis siya dahil nagahasa, tinawag nila itong "Immaculada Concepcion".
        Kasabay noon, biglang umulan matapos ang pagkatagal-tagal na panahon. Kung kaya naman tuluyan nang inisip na ng mga tao na nagbalik na muli ang himala sa kanilang bayan at tinanggal na ang sumpang ibinigay sa kanilang bayan.
        Matapos ang lahat, ipinatawag ni Elsa ang lahat na magtipon-tipon sa burol na kanyang pinupuntahan. Dito'y inamin niyang walang mga himala, walang nagpakitang Mahal na Birhen at walang mga pangitain. Sinabi niyang ang tao ang siyang gumagawa ng mga diyos, himala, sumpa at kung anu-ano pa. Hindi pa siya natatapos magsalita nang biglang may bumaril sa kanya sa harap ng napakaraming mga tao.
          Kaya nagkagulo ang lahat at nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon. Ang mga matatanda at mga maysakit naman ay nadaganan ng mga taong nagmamadaling lumayo. Namatay si Elsa na katabi ang kanyang ina ngunit dinala ang kanyang katawan patungong ospital. Si Sepa naman na patuloy na naniniwala sa kanya, ay namuno sa lahat ng mga taong naroon pa rin na magdasal ng Aba Ginoong Maria habang nakaluhod paakyat muli sa burol.



                                                                                                                        Ibinuod ni:
                                                                                                                        Jherome S. Ribay

Impeng Negro
ni Rogelio Sikat

     Si Impen ay isang negro, may kapatid na sila Diding, Kano at Boyet. Nilayasan sila ng kanyang ama at ina niya na lamang ang nag-aalaga sa kanya.
     Tuwing umaga nag-iigib si Impen at lagi siyang binibilinan ng ina na huwag niyang papansinin si Ogor, ang hari ng gripo.
     Lagi siyang tinutukso ni Ogor dahil sa kanyang kulay.
     Sa igiban ay mataas ang sikat ng araw ay natatanaw niya ang mga agwador na naghaharutan, siya ay nagtungo doon at siya ay nasa hulihan na ng pila.
     Ang ibang agwador ay nasa tindahan upang sumilong, ang iba ay nagpapaypay, naghuhubad ng damit upang mabawasan ang init na nararamdaman.
     Samantala, si Impen ay nagtitiis sa init ng araw. Maya-maya ay narinig niya ang isang tinig mula sa tindahan."Hoy Negro, sumilong ka at baka pumuti!", tinig iyon ni Ogor na nakangisi at nanunukso na naman,"Negro", muli niyang narinig "sumilong ka sabi eh, baka ka masunog", ngunit hindi niya ito pinansin habang naririnig niya ang tawanan ng mga taong nakapaligid sa kanya.
     Nararamdaman na ni Impen ang hampas ng init ng araw sa kanyang katawan.Binasa niya ito upang mapawi ang init na kanyang nararmdaman ngunit ito'y panandalian lamang.
     "Negro!", napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon.Nasa likod niya si Ogor.
     Panahon na ni Ogor upang sumahod at siya'y natapos din at iyon naman ang hinihintay ni Impen.Datapuwa't pagkaalis ng balding hinihintay niyang mapuno, at isinahod na lamang ang kanya ay bigla siyang nakaramdam ng isang mabigat at makapangyarihang kamay sa kanyang balikat at si Ogor ang kanyang natingala.
     Malapit lamang ang pinaghatidan nito ng tubig.
     "Gutom na ako Negro!,ako muna". Iginitgit ni Ogor ang balde at si Impen ay ginitgit din ito ng may halong takot.
     "Uuwi na ako, uuwi na ako",wika ni Impen.Nakatingin sa araw humakbang si Impen upang kunin ang pingga, bigla siyang pinatid ni Ogor.
     "Ano pa bang ibinubulong mo?", hindi niya narinig iyon.Nabuwal siya. Tumama ang kanyang kanang pisngi sa labi ng nabitiwang balde.
     Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...mapula...dugo!O...gor,o...gor" nakatingala siya kay Ogor. Nangangalit ang kanyang ngipin."Ogor!" sa wakas naisigaw niya.
     Hindi ito minabuti ni Ogor sa halip ay tumawa siya ng malakas.
     Humihingal at nakanganga ng napapikit siya, bigla niyang naramdaman ang ubod-lakas na sipa sa kanyang pigi.
     Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi.Humihingal siya.Malikot ang kanyang mga mata.Si....Ogor, simula't simula pa itinuring niya na ito kaaway.
     Nang makita niyang aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli nay tila nauulol na asong sininggaban niya iyon, niyakap at kinagat.
     At nagtuloy-tuloy ang pag-aaway nilang dalawa at sa bandang huli nakamit ni Impen ang matagal na niyang pinapangarap na mapatumba si Ogor.
     Sa matinding sikat ng araw. Tila isa siyang mandirigmang sugatan ngunit nakatindig sa pinagwagiang larangan.



                                                                                                                              Ibinuod ni:
                                                                                                                              Jherome S. Ribay                                                                                            
                                                                   
 

 Tanging Ina mo Last na'to 

Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng termino ni Ina bilang Presidente ng Pilipinasay inilaan niya ang kanyang oras para sa kanyang mga anak.Sa di inaasahang pangyayari siya ay dinala sa ospital ng kanyang kaibigan at doon niya nalaman na may tumor siya sa utak.hindi niya ito sinasabi sa kanyang mga anak,kaya't napilitan itong ilihim nalang ang kanyang sakit.Si Severina naman ay malapit na ikasal sa kanyang kasintahan na si william.Dahil sa pagtatalo ng magkapatid napilitan itong sabihin sa kanyang anak at nabigla sila,habang si Ina ay nagtatlumpati siya ay nahimatay ay siya ay dinala sa ospital at doon nalaman na wala na itong sakit tuwang-tuwa  ang kanyang anak, samantala ay si Rowena ay nanganganak sa ospital na iyon.Pagkalipas ng ilang araw ay pinabinyagan ni Rowena ang kanyang anak,di niya akalain na darating sa binyag ang kanyang asawa na si Frank

 

                                 Roberto Ricafranca

impeng negro
              Pinangangalan na naman si Impen ng kanyang ina na wag na pansinin ang mga taong tumutukso sa kanya.Pagkatapos siya ay pumunta sa tinadahan upang bumili ng gatas.matapos na pumunta sa tindahan ay agad itong pumunta sa sahuran ay nakita niya siya na Ogor.At pagkatapos ni Ogor sa pagsahod ay agad na bumalik si Ogor na pilit na inuunahan si Impen ay nagpaubaya naman siya ngunit pinatid pa si Impen. Dito nagsimula ang pag -aaway ng dalawa pero di nagpatalo si Impen,at sa huli siya ay nagwagi at nakamtan niya ang kapangyarihan
na wala sa iba.                                        
                                                                                                    Roberto Ricafranca

"Bukas Luluhod Ang Mga Tala"

     Si Rebecca ay ipinanganak ng isang dukhang pamilya. Kahit mahirap, ang tanging pag asa niya sa buhay ang kanyang talento ang pagawit. Ito ang kanyang naging puhunan upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan at maipagtapos sa pagaaral ang kanyang kapatid.
     Hindi rin lubos maisip ni Rebecca ang pang-aapi ng kanilang mayaman na kapit-bahay, kung bakit ganoon ang kanilang galit sa kanyang pamilya. Ang masalimuot na nakaraan ng kanyang ina
 ang unti-uting magbibigay liwanag sa lahat, at ito ang magdudulot ng pinaplanong paghihiganti sa mga umapi sa kanyang pamilya.



Ibinuod ni:
Vincent B. Santos III-1

Sunday 15 January 2012

Petrang Kabayo

     Si Peter na Pedro ang tunay na pangalan ay isang bakla na lumayas sa kanyang tahanan dahil siya ay pinagmamalupitan. Sa kabutihang palad ay natagpuan at inampon siya ng mabait na si Seniora. Habang siya ay lumalaki sa piling ni Seniora ay naging masama ang pakikitungo niya sa tao at hayop. Kaya't siya ay isinumpa ng Diyosa ng mga kabayo na siya ay magiging kabayo sa tuwing magagalit o gagawa siya ng masama. Saktong nmanatay naman ang alagang kabayo nina Erickson kung kaya't siya doon pumunta sa tuwing siya'y magiging kabayo. Sa kinatagalan ay natutunan na ni Peter na maging mabuting tao sa kanyang kapwa at maging sa mga hayop. Ngunit ang kompanya niya ay may utang na 100,000,000.00 milyong piso. Para mabayaran ito ay sumali siya sa karera ng mga kabayo at siya ang tatakbo bilang Petra at si Erickson ang kanyang hinete. Dahil siya ay mabuti na ay hirap na siyang maging isang kabayo kung kaya't lumitaw ang Diyosa ng mga kabayo at siya'y ginawang kabayo. Nanalo si Erickson at Petra sa karera. Sa di inaasahang pagkakataon ay naging tao si Petra dahil sa halik ni Erickson sa kanya at tuluyan nang nawala ang sumpa.


Buod ni:
Romar S. Suyat III-1

Impeng Negro ni Rogelio Sikat

Nang araw na iyon ay pinangangaralan si Impeng ng kanyang ina. Matapos ang  pangaral ay  binilinan siya  na bumili ng gatas. Matapos magpunta sa tindahan ay agad na pumunta sa sahuran , ngunit sina Ogor ay nandoon at kinukutya siya. Nang si Ogor na ang magsasahod agad na bumalik si Ogor , pilit siyang inuunahan ni Ogor sa pagsahod, pumayag na si Impeng na mauna at si Ogor ngunit pinatid siya nito.Sumiklab ang pag aaway ng dalawa. Sa pagaaway nila si Impeng ang nagwagi, nadama ni impeng ang pagiging mandirigma sa pagkapanalo niya kay Ogor .





Buod ni :
Romar S. Suyat    III-1

Kimmy Dora

KIMMY DORA

Si Kimmy ay matalino at inaasahan ng kanilang tatay na mamahala sa kanilang negosyo. Ngunit may magaspang at mapag mataas na ugali ito.
Samantalang si Dora naman ay isip bata ngunit malambing at mapagmahal naman sa kanilang ama. Wala rin siyang alam sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Isang araw ay nalaman ni Kimmy na ang lalaking kaniya pa lang gusto ay mas gusto si Dora kaysa sa kaniya, nalaman din niyang ang mana na makukuha ni Dora ay mas malaki kaysa sa kaniya. Nagalit si Kimmy kay Dora. Inutusan nito ang kaniyang tauhan at nagkamali ito ng pagkaka-intindi. Inakala ng kaniyang tauhan na nais niyang ipadakip at ipapatay si Dora. Ngunit mali ang nangyari. Nalito ang kaniyang mga tauhan at si Kimmy ang kanilang nakuha.
Upang hindi mag-alala ang kanilang ama at masalba ang kanilang kumpanya  sa pagkawala ni Kimmy napilitang magpanggap si Dora.
Nabawi at nakabalik ng muli si Kimmy. Nagka bati na rin sila ni Dora. Kambal sina Kimmy at Dora ngunit labis na magkaiba ang kanilang personalidad at ugali.


Ibinuod ni:
Janica Toralballa


Saturday 14 January 2012

Impeng Negro

                 Sa simula ay pinapangaralan na naman si Impen na umiwas sa gulo lalo na kina Ogor ng kanyang Ina. Matapos ang mga pangaral ay inutusan siya na bumili ng gatas kay Mang Taba. Sunod ay inutusan siyang pumunta sa sahuran.
                 Habang papunta na siya sa sahuran ay nakikita niya sa mga mata ng mga tao ang panglalait na negro. Nang siya na ang magsasahod ay madaling bumalik si Ogor at siya'y inuunahang magsahod. Papayag na si Impen na si Ogor ang mauna ngunit tinisid siya nito. Nagalit si Impen kung kaya't sinugod niya si Ogor at nagsimula na ang away sa pagitan nilang dalawa. sa bandang huli ay sumuko ba si Ogor kay Impen. Nadama ni Impen ang pagiging isang bayani na ngayon niya lang naramdaman.


Ibinuod ni:
Vincent B. Santos III-1

Sunday 8 January 2012

Sarah, Ang Munting Prinsesa

Si Sarah Crewe ay nagmula sa mayamang pamilyang naninirahan sa India. Dahil sa trabaho ng kanyang ama na si Capt. Ralph Crewe na isang minero ay napilitang ipasok si Sarah sa Victorian Era England iasang sikat na paaralan sa London. Dahil sa ulila na si Sarah sa ina at tanging ang kanyang ama na lamang nito ang kasama sa buhay ay inihabilin ang pangangalaga ni Sarah sa naturang paaralan.
        Masaya naman ang naging buhay ni Sarah sa paaralan. Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan nito marami siyang mga naging kaibigan maliban kay Lavinia. Kinaiingitan ni Lavinia si Sarah dahil sa katangiang pagiging prinsesa. Iba naman ang naging turing sa kanya ni Ms. Minchin, isang masungit at estriktang guro. Hindi lang mga estudyante ang kanyang mga naging kaibigan maging ang mga katulong sa paaralan na si Beki at Peter. Hindi  naman siya pinapabayaan ng kanyang ama katunayan pa nito’y lagi siyang pinapadalahan ng mga mamahaling damit at laruan. Pinag-utos  pa nga ng kanyang ama na bigyan si Sarah ng engrandeng selebrasyon para sa kanyang kaarawan.
        Nag bago ang lahat ng dumating ang balitang namatay daw ang kanyang ama sa guho  sa isang minahan. Inalipin siya ni Ms. Minchin, ginawang katulong kasama ni Beki. Pinatigil rin siya sa pag-aaral. Ang dating masaganang pagkain ay kinulang para sa kanya sa medaling sabi ay ginugutom syang katulad ni Beki. Kahit ganoon ang kinahinatnan ni Sarah ay hndi siya pinabayaan ng kanyang mga kaibigan, sa halip ay sinusuportahan at pinapalakas nila ang loob ni Sarah. Ganoon man ang turing  sa kanya ni Ms. Minchin ay nananatili parin ang kababaang loob niya.
        Isang araw ay dumating ang kaibigan ng kanyang ama upang kupkupin si Sarah ,iyon namang araw na iyon ay may sakit siya. Nagtangka si Sarah na tumakas sa paaralan kahit ganoon ang kalagayan niya. Hinabol siya ni Ms. Minchin. Sa wakas ay naunahang mahanap ito ng kaibigan ng kanyang ama. Balak sanang ipakulong si Ms. Minchin dahil sa pang-aabusong ginawa niya kay Sarah ngunit sa huli ay pinatawad siya ni Sarah. Umalis si Sarah sa paaralan kasama ang kaibigan ng kanyang ama at ang matalik na kaibigang si Beki..


Kristine S. Yadan

Impeng Negro

Si Impen ay isang agwador sa kanilang lugar. Maitim at kulot ang buhok, ito ang dahilan kung bakit siya tinawag na Impeng Negro. Halos araw-araw kung tuksuhin siya ng mga tao sa kanilang lugar lalong-lalo na si Ogor. Si Ogor ang mortal niyang kaaway, siya rin ay isang agwador kaya madalas nitong makasalubong si Impen. Halos ayaw na ring pakinggan ni Impeng ang mga bilin ng ina na huwag na lang niyang patulan at pansinin si Ogor dahil baka mauwi na naman ito sa away.
Ang pamilya ni Impen ay nakatira lamang sa isang barung-barong. Ang kanyang ina ay isa lamang labandera. Apat silang magkakapatid, si Impen, Boyet, Kano at Dingding. Tampulan ng tukso ang kanilang pamilya dahil sa iba-iba daw ang ama ng mga anak ng kanyang ina. Tanggap na ni Impen ang mga panunuksong siya ay Negro, ngunit ang hindi niya matangggap ay ang panghahamak ng mga tao sa kanilang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina.
Isang araw habang naghihintay si Impeng upang mag-igib, nakasalubong na naman niya si Ogor. Patuloy ang pang-aasar nito sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin. Nang dumating na siya upang sumahod sa gripo ay pinigilan siya ni Ogor at gusto nito na siya muna ang mauna. Hindi pumayag si Impeng dahil katatapos lamang nitong sumahod. Binalak na ni Impen na kuhanin na ang balde ngunit pinatid siya ni Ogor. Nasubsob ang mukha nito, dumugo ang pisngi dahil sa pagtama nito sa balde. Nahiga si Impen sa kalye humihingi ng tulong sa mga tao ngunit tawanan ang ginanti. Aambahan sanang sipain muli ni Ogor si Impen ngunit hinawakan ni Impen ang paa nito hanggang sa matumba. Gumanti  si Impen ng mga suntok hanggang sa mapasuko nito si Ogor. Sa huli ay ang lakas ni Impen ang nanaig, umuwi mang sugatan ngunit nananatiling nakatayo at may kagalakang napasuko ang kanyang kalaban.

 Kristine S. Yadan III-1

Saturday 7 January 2012

Impeng Negro

Impeng Negro
ni Rogelio Sikat

Si Impen ay mula sa dukhang pamilya. Anak siya ng isang negrong sundalo na umiwan din sa kaniyang ina matapos siyang ipanganak. Ang kaniyang ina naman ay labandera at losyang na losyang na sa pag aalaga sa kanila. Mayroon din siyang tatlong kapatid ngunit iba’t-iba ang ama ng mga ito. Ang kanila namang tahanan ay barung-barung lamang at tagpi-tagpi pa.

Isang araw ay inutusan si Impen ng kaniyang ina na matapos mag-igib ay dumaan sa tindahan ni taba upang bumuli ng gatas. Ngunit bago umalis ay pinagbilinan siyang magpalit muna ng damit. Nasa  kahon sa sulok ng kanilang tahanan ang kamiseta nitong kulay lumot  at maluwag na din sa kaniya kasama ang iba pang damit ng kaniyang tatlong kapatid. Wala siyang maggawa kundi suotin ito dahil wala naman siyang madaming kamiseta.

Pagbalik sa batalan ay pasan na niya ang kargahan ng tubig. Habang patuloy siyang naglalakad ay humabol ng bilin ang kaniyang ina. Bilin nito na umiwas siya sa pakikipag away kay Ogor at huwag na lamang niya itong pansinin. Palaging ginagawa ng kaniyang ina na pagbilinan siya sa tuwing aalis ito. Lagi din namang isinasaisip ito ni Impen, ngunit sa tuwing si Ogor na ang maririnig nito at ang masasakit nitong panlalait sa kaniya ay hindi na siya nakapagtitimpi pa.

Si Ogor din ang kamakailang bumabag sa kaniya at nangunguna na tuksuhin siya na ginagawa namang sentro ng katuwaan ng iba pang agwador.
Noong unang away nila ay sinasagot pa niya ito ng “E, ano kung maitim?” ngunit ng tungkol na sa kaniyang ina at ama ng mga kapatid niya na ang pangungutya ay hindi na niya napagtitimpian pa si Ogor. Dahil dito, naging hamak ang tingin sa kaniyang ina at sa kanilang pamilya ng lahat. At mula sa binhi ng paghihimagsik sa puso at isip nito ay nagsimula nang umalimpuyo ang mga kutyang ito.

Habang naglalakad patungo sa gripong igiban ay natatanaw na nito ang mga ulong nakadungaw sa kaniya mula sa mga bintana ng mga tahanan. Wala mang sinasabi ang mga taong ito ay nababasa niya sa mga mata nila na isinisigaw nila ang salitang NEGRO!!!

Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Habang papalapit ay nakikita na niya ang grupo ng mga agwador at ang malalakas at matitining na halakhakan ng mga ito. Ngunit pumapa imbabaw ang tinig ni Ogor sa mga halakhakang ito. Si Ogor na palaging nangunguna sa pangungutya sa kaniya.

 Halos kasing edad lang din niya Ogor ngunit higit na mas matipuno at mataas sa kaniya ito.

Nang marating na niya ang gripo ay naka tungo ang ulo niya. Nagtungo siya sa dulo ng pila at doon ay marahang inalis niya ang pagkakakawit ng mga balde.
May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ni Impen na katumbas ng anim na karga at may isa pang nagpapaigib ng tubig sa kaniya. Malaki-laki rin naman kasi ang kinikita ng mga agwador tuwing tag-araw.

Inisip niyang tatanghaliin siya ng uwi habang binibilang ang mga balde sa dulo ng pila.

Di kalayuan ay may tindahan na tambayan din ng mga agwador. Sa langkay ng mga agwador ay natutok ang kaniyang paningin kay Ogor. Naka hubad ito ng baro at nakangisi. Inisip niyang maupo nalamang sa balde kahit katirikan ng araw ay titiisin na lamang niya hanggang sa narinig niya ang tinig ni Ogor. Nagsisimula nanaman ito sa pangungutya sa kaniya at sinusundan pa ng halakhakan ng iba pang agwador. Hindi niya nililingon si Ogor dahil inaalala din niya ang bilin ng kaniyang ina. Ngunit tila nakikita niya parin itong nakangisi.

Tinigilan din siya ni Ogor. Hindi parin umaalis si Impen sa pagkaka-upo sa balde. At habang tumatagal ay nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Upang mapawi ang init ay itinaas nito ang tirante ng kamiseta at hinipan-hipan ang dibdib. Isinawak din niya ang kaniyang  kamay sa tubig at binasa ang batok,ulo,balikat at bisig. Panandaliang nakadama siya ng ginhawa. Nang lumaon ay naramdaman nanaman niya ang matinding init sa kaniyang balat.

Muli niyang narinig ang tinig ni Ogor. Pagkakataon na nito na sumahod. At habang umiigib ay muli niyang nakita ang pagngisi nito
.
Para sa kaniya ay napakatagal ng pagkapuno ng balde ni Ogor. Kaya’t galak na lamang ang naramdaman niya ng makitang kinakawit na nito ang mga iniigibang balde. Inisip niyang huwag na sana itong bumalik.

Susunod narin siya. Sa wakas ay makasasahod na siya. Pagkatapos niyon ay mabibili na niya ang gatas para sa bunsong kapatid at maka uuwi narin siya. Ngunit habang inaantay ang pagkaalis ng huling balde ay muling nagbalik si Ogor. Hinawakan nito ang kaniyang balikat. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito. Gutom na raw siya kaya’t iginitgit nito ang kaniyang balde. Gusto niyang matapos na siya. Sinubukan ni impen na tumutol ngunit ginigitgit pa rin ni Ogor ang kaniyang balde.
Kaya’t nagsimula narin silang magtalo. Pinatid ni Ogor si Impen, kaya’t tumama ang pisngi nito sa nabitawang balde. Napasigaw siya sa sakit at bahagyang nagdilim ang paningin. Mangiyak-ngiyak at naginginig siya ng salatin ang biyak at duguang pisngi.

Natingala niya si Ogor habang tila ay nagbabalak na saktan siyang muli. Isinigaw ni Impen ang ngalan ni Ogor. Hindi minabuti ni Ogor ang pagsigaw ni Impen na ito kaya’t sinipa niya ito. Gumulong-gulong si Impen at nabuwal ang mga baldeng tinamaan sa pila. Paparami ng paparami ang mga tao, pumaligid ang mga ito sa kanila.

Bigla siyang napabaliktad. Muli niyang natanaw ang nakahihindik na itsura ni Ogor. Napapikit na lamang siya at naluha ng marinig ang nakahihindik na tawa nito. Isang malakas na sipa sa pigi. Napasigaw at naiyak na lamang siya sa sakit. Matagal din ng humupa ang sakit sa kaniyang pigi at hinihingal pa siya ng maka bangon.
Sa kabila ng sakit ay naalala niya ang lahat ng poot at galit niya kay Ogor. At kung bakit ganoon nalamang kung ituring siya nito.

At nang kaniyang matanaw na muling sisipain siya ni Ogor ay niyakap at kinagat niya ang paa nito. Bumagsak si Ogor. Nagyakapan sila at nagpagulong-gulong. Tumagal ang kanilang pagpapalitan ng suntok. Nang pumaibabaw na si Impeng ay walang tigil nitong pinagsusuntok si Ogor hanggang sa manghina ito at manlupaypay. Di nagtagal ay sumuko na din si Ogor.

Dahan-dahan siyang tumindig. Tahimik ang lahat. Walang naghahangas na tumutol sa kanilang nasaksihan. Galak ang kaniyang nadama ng matalo si Ogor. Napatunayan niya sa kaniyang sarili na mayroon siyang tinatagong tibay at tatag. Parang isang mandirigmang sugatan, tumindig siya ng buong tapang sa matinding sikat ng araw.



 Ibinuod ni:
Janica P. Toralballa III-1

Impeng Negro
Si Impen ay ang panganay sa kanilang magkakapatid, kulot ang kaniyang buhok,sarat ang ilong, at may maitim na kutis. Sina Kano, Boyet at Dingding ang kaniyang mga kapatid, bagama’t magkakaiba ang kanilang ama, sila ay kapatid parin ni Impen, hindi tulad niya, ang mga ito ay mapuputi.

Si Ogor naman ang kinikilalang hari sa gripo, siya ay isang malakas na “agwador”, tuwid ang kaniyang tindig, at halos hindi yumuyuko kahit may dalang balde ng tubig. Si Ogor din ang malimit magsimula ng away sa kanilang lugar.

Palaging pinapa-alalahanan si Impen ng kaniyang  ina na huwag makipagbasag ulo at huwag na lamang pansinin ang mga tumutukso sa kaniya ng “NEGRO”. Ito kasi ang dahilan kung bakit napapa-away si Impen.

Sandail nalamang ay si Ipen na ang susunod na sasahod ng tubig, nang biglang isiningit ni Ogor ang dala nitong balde at inunahan si Impen. Naalala ni Impen ang bilin ng kaniyang ina na huwag makipagbasag-ulo lalo na kay Ogor. Kaya’t napagpasyahan na lamang ni Impen na umalis na lamang upang makaiwas sa gulo., paaano pa’t makakasahod din siya. Nang biglang patirin siya ni Ogor at inumpisahan na siyang saktan. Sinapak nito si Impen, pagkatapos ay sinipa-sipa, dahilan upang mag-dilim ang kaniyang paningin at gantihan ng suntok si Ogor hanggang sa ito’y kaniyang mapasuko. Dahil sa pangyayaring ito, nakadama si Impen ng kagalakan sa kaniyang puso dahil alam niya na hindi na siya muling kukutyain pa ni Ogor.

ibinuod ni:
Julie Anne Tagala III-1
Impeng Negro
                                                              ni Rogelio Sikat

           Naghuhugas ng kamay sa giray na batalan ang maglalabing-anim na taong si Impeng ng mapahintodahil sa pangangaral ng kanyang ina.Baka raw kasi mapaaway na naman ito. Bago umalis, binilinan siya nito na dumaan kay taba pag-uwi at bumili ng gatas ni Boy, kanyang kapatid. Sa apat na magkakapatid, siya lang ang maitim dahil sina Kano, Boyet at Dingding ay mapuputi lalo na si Kano. Sa kanyang pag-alis, sinuot niya ang kamisetang maluwang na dati'y lapat nalapat sa kanya.
          Parati siyang sinasabihan ng ina na huwag pansinin si Ogor dahil talagang basagulero raw ito. Lagi niya itong tinatandaan ngunit sadyang hindi niya matagalan ang mga panlalait nina Ogor. Si Ogor na kahit kaila'y di siya tinuring na kaibigan. Siya ang malakas na agwador na kinatatakutan ng lahat. Di nagtagal, natanggap rin niya ang mga panlalait nito dahil iyon naman ang totoo.
           Agad siyang pumila sa may gripo nang marating na ito. Sa paglipas ng oras, nakaipon na siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa-igib sa kanya. Bagamat naiinitan, hindi na niya tinangka pang sumilong sa tindahan dahil naroon sina Ogor. Nang siya naman ang iigib biglang sumingit si Ogor, dahil dito ginusto na lang niyang umuwi ngunit pinatid siya nito. Ito ang dahilan kung bakit dumugo ang kanyang pisngi.
           Matapos nito ay sinipa pa siya at gumulong sa mga balde. Nagsipagtawanan ang mga tao. Muli siyang sinipa sa pigi ni Ogor. Ngunit ng akmang sisipain siya ulit nito, agad niyang kinagat ang kanang paa nito. Dito niya napadapa si Ogor.
          Nang muling mapailalim, pinilit niyang pumaibabaw at sa wakas, napailalim niya muli si Ogor. Dito samu't saring suntok ang pinaulan niya kay Ogor na nagpahina at nagpasuko dito. Tumayo siya at tiningnan ang mga tao, ang mga ito'y nahihiya na sa kanya. Dito, natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang tibay, tatag at kapangyarihan. At sa gitna ng matinding sikat ng araw, siya'y naging isang mandirigmang sugatan na nakatindig sa napagwagihang  larangan.



Buod
      Leonheil Casabuena Zausa III-1


MILA

                                                       Simpleng Kuwento ng Simpleng Buhay

                Kumakanta ang mga mag-aaral ni Ms. Leonila "Mila" Cabangon sa kanilang klase. Uwian na at naghahantay sa labas ng paaralan ang asawa niyang sugarol. Hinihingan siya nito ng pera ngunit wala siyang maibigay. Pinapaalis niya ng bahay ang asawa ngunit ayaw nito kaya siya na lang ang lumayas. Pumunta siya sa bahay ng kanyang tiyo Dodong.
                Ilang taon na ring tinitis ng mga gura ang mababang sahod. Kaya nagkaisa ang mga ito at binuo ang "Manila Public School Teachers Association" o MPSTA. Sa kanyang pag-iisa nakilalaniya si Primo at unti-unti silang nagkamabutihan. Nagsagawa naman ang mga guro ng Hunger Strike laban sa gobyerno. Habang nadiskubre naman niya na adik pala si Primo.
               Pinatawad niya ito ngunit di rin niya natagalan dahil isa-isa nitong binibenta ang kanilang gamit kaya nakipaghiwalay rin siya dito. Dahil sa problema, di na siya sumama sa mga programa ng unyon. Nagpagala-gala siya sa kalye. Nakilalaniya rito si Winona habang siya'y nagbebenta ng kape. Nanirahan siya sa kalye ng Ermita at napansing di marunong bumasa ang mga bata kaya tinuruan niya ang mga ito.
               Sa kanyang pagtuturo, nakilala niya ang mag-inang Rona at Leni samantalang nakita niyang muli ang dating estudyante na si Boyet. Pinagpatuloy niya ang pagtuturo sa mga ito. Huling sumali sa kanyang klase si Peklat na ang dahilan ay upang mabasa nga sulat ng kanyang tatay na patay na. Ni-rade ng pulis ang bar nina Rona ngunit kasabay nito ang pagpatay kay Winona. Dahil sa kanya, tumino ang buhay ng mga taga-Ermita.
               Dahil sa nangyari, umuwi ng Carmona ang mag-ina. Nagkasakit naman si Mila dahil sa paninirahan sa kalye. Kinagabihan, pinuntahan niya ang kanyang ina ngunit agad din siyang umalis. Umuulan ng matulog siya at kinaumagahan ginigising siya nina Belay at Peklat . Ngunit di nila siya magising dahil patay na pala siya.
              Sa araw ng kanyang libing, maraming tao ang nakiramay. Lahat ng natulungan niya ay naroon. Kalakip ng pagdadalamhati ay ang paghingi ng katarungan para sa mga gurong tulad ni Mila. Tila nagkatotoo ito dahil sa araw ring iyon ay pinabalik na ng gobyerno ang mga guro sa trabaho. Dahil dito, itinuring si Mila bilang Makabagong Bayani ng mga guro at ng sambayanan.