Saturday, 7 January 2012

Impeng Negro
Si Impen ay ang panganay sa kanilang magkakapatid, kulot ang kaniyang buhok,sarat ang ilong, at may maitim na kutis. Sina Kano, Boyet at Dingding ang kaniyang mga kapatid, bagama’t magkakaiba ang kanilang ama, sila ay kapatid parin ni Impen, hindi tulad niya, ang mga ito ay mapuputi.

Si Ogor naman ang kinikilalang hari sa gripo, siya ay isang malakas na “agwador”, tuwid ang kaniyang tindig, at halos hindi yumuyuko kahit may dalang balde ng tubig. Si Ogor din ang malimit magsimula ng away sa kanilang lugar.

Palaging pinapa-alalahanan si Impen ng kaniyang  ina na huwag makipagbasag ulo at huwag na lamang pansinin ang mga tumutukso sa kaniya ng “NEGRO”. Ito kasi ang dahilan kung bakit napapa-away si Impen.

Sandail nalamang ay si Ipen na ang susunod na sasahod ng tubig, nang biglang isiningit ni Ogor ang dala nitong balde at inunahan si Impen. Naalala ni Impen ang bilin ng kaniyang ina na huwag makipagbasag-ulo lalo na kay Ogor. Kaya’t napagpasyahan na lamang ni Impen na umalis na lamang upang makaiwas sa gulo., paaano pa’t makakasahod din siya. Nang biglang patirin siya ni Ogor at inumpisahan na siyang saktan. Sinapak nito si Impen, pagkatapos ay sinipa-sipa, dahilan upang mag-dilim ang kaniyang paningin at gantihan ng suntok si Ogor hanggang sa ito’y kaniyang mapasuko. Dahil sa pangyayaring ito, nakadama si Impen ng kagalakan sa kaniyang puso dahil alam niya na hindi na siya muling kukutyain pa ni Ogor.

ibinuod ni:
Julie Anne Tagala III-1

No comments:

Post a Comment