Impeng Negro
ni Rogelio Sikat
Si Impen ay isang negro, may kapatid na sila Diding, Kano at Boyet. Nilayasan sila ng kanyang ama at ina niya na lamang ang nag-aalaga sa kanya.
Tuwing umaga nag-iigib si Impen at lagi siyang binibilinan ng ina na huwag niyang papansinin si Ogor, ang hari ng gripo.
Lagi siyang tinutukso ni Ogor dahil sa kanyang kulay.
Sa igiban ay mataas ang sikat ng araw ay natatanaw niya ang mga agwador na naghaharutan, siya ay nagtungo doon at siya ay nasa hulihan na ng pila.
Ang ibang agwador ay nasa tindahan upang sumilong, ang iba ay nagpapaypay, naghuhubad ng damit upang mabawasan ang init na nararamdaman.
Samantala, si Impen ay nagtitiis sa init ng araw. Maya-maya ay narinig niya ang isang tinig mula sa tindahan."Hoy Negro, sumilong ka at baka pumuti!", tinig iyon ni Ogor na nakangisi at nanunukso na naman,"Negro", muli niyang narinig "sumilong ka sabi eh, baka ka masunog", ngunit hindi niya ito pinansin habang naririnig niya ang tawanan ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Nararamdaman na ni Impen ang hampas ng init ng araw sa kanyang katawan.Binasa niya ito upang mapawi ang init na kanyang nararmdaman ngunit ito'y panandalian lamang.
"Negro!", napatuwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon.Nasa likod niya si Ogor.
Panahon na ni Ogor upang sumahod at siya'y natapos din at iyon naman ang hinihintay ni Impen.Datapuwa't pagkaalis ng balding hinihintay niyang mapuno, at isinahod na lamang ang kanya ay bigla siyang nakaramdam ng isang mabigat at makapangyarihang kamay sa kanyang balikat at si Ogor ang kanyang natingala.
Malapit lamang ang pinaghatidan nito ng tubig.
"Gutom na ako Negro!,ako muna". Iginitgit ni Ogor ang balde at si Impen ay ginitgit din ito ng may halong takot.
"Uuwi na ako, uuwi na ako",wika ni Impen.Nakatingin sa araw humakbang si Impen upang kunin ang pingga, bigla siyang pinatid ni Ogor.
"Ano pa bang ibinubulong mo?", hindi niya narinig iyon.Nabuwal siya. Tumama ang kanyang kanang pisngi sa labi ng nabitiwang balde.
Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...mapula...dugo!O...gor,o...gor" nakatingala siya kay Ogor. Nangangalit ang kanyang ngipin."Ogor!" sa wakas naisigaw niya.
Hindi ito minabuti ni Ogor sa halip ay tumawa siya ng malakas.
Humihingal at nakanganga ng napapikit siya, bigla niyang naramdaman ang ubod-lakas na sipa sa kanyang pigi.
Matagal din bago napawi ang paninigas sa kanyang pigi.Humihingal siya.Malikot ang kanyang mga mata.Si....Ogor, simula't simula pa itinuring niya na ito kaaway.
Nang makita niyang aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli nay tila nauulol na asong sininggaban niya iyon, niyakap at kinagat.
At nagtuloy-tuloy ang pag-aaway nilang dalawa at sa bandang huli nakamit ni Impen ang matagal na niyang pinapangarap na mapatumba si Ogor.
Sa matinding sikat ng araw. Tila isa siyang mandirigmang sugatan ngunit nakatindig sa pinagwagiang larangan.
Ibinuod ni:
Jherome S. Ribay
No comments:
Post a Comment