Thursday 5 January 2012

Isang batang api si Impen. Madalas siyang tinutukso ng kanyang mga kaibigan dahil sa estado nito sa buhay at sa kulay niya. Dahil dito, pinangaralan siya ng kanyang ina na huwag ng pansinin ang mga nanunukso sa kanya. Isa siyang agwador sa kanilang lugar. 
Mahina na ang kita ng kanyang ina kaya siya nagtatrabaho kahit na may nanlalait sa kanya. Isa na nga rito si Ogor.


Nag-iigib si Impen ng nakita niya si Ogor na buong akala niya ay umalis na dahil nakapag-igib na ito. Sumingit si Ogor sa pila upang makapag-igib muli. Upang makaiwas sa gulo, lumayo na lamang siya. Pinatid siya ni Ogor at dito na nagsimula ang kanilang sagupaan.


Ilang suntok, sipa at tadyak ang nakuha niya Ogor. Nang mapuno si Impen ay lumaban na ito. Ginantihan niya si Ogor at napasuko niya ito. Sandaling katahimikan ang kanyang narinig. Matapos matalo si Ogor ay nakadama siya ng kapangyarihan.




                                                                                              Impeng Negro ni Rogelio Sicat
                                                                                              Ibinuod ni Danilo Carlo Sarong
                                                                                                                    III-1

No comments:

Post a Comment