Thursday 5 January 2012

Ito ay kwento ng pamilya ni Benjamin "Benjie" Santos VIII. Ang kanilang pamilya ay lahi ng mga matatapang at matitipunong tao. Tradisyon na ng pamilya na sumali sa militar ang anak na lalaki upang ipagpatuloy ang nagawa ng kanilang ninuno. Ang tatay ni Benjie na si Benjamin "Ben" Santos VII ang naghinto dahil mas gusto nitong maging siyentista. Labis ang poot na nadama ng kanyang ama, dagdag pa rito ang pagiging binabae ng kanyang apo kung kaya itinakwil niya ang pamilya nito.


Isang grupo ng terorista ang dumukot at hinuli ang kanyang lolo kaya napagdesisyonana ng pamahalaan na sanayin ang mga lalake ng bawat pamilya sa bansa. Tatay ni Benjie ang sumama ngunit pinigilan niya ito at siya ang sumali sa sandatahan na magliligtas sa kanyang lolo.


Naging mahina siya ng una ngunit siya'y nagsanay upang maging maayos. Dahil sa kanyang kasarian ay pinaalis siya sa sandatahan. Gayunpaman, pinatunayan niyang hindi sa kasarian nalalaman ang kakayahan ng tao kung kaya ay sinugod niya ang himpilan ng mga sindikato at kinalaban ito. Siya kasama ang kanyang kaibigan ang nagwagi. Sa huli, natangggap siya ng kanyang lolo at namuhay sila ng masaya.






                                                                                               The Unkabogable Praybeyt Benjamin
                                                                                                     Ibinuod ni Danilo Carlo Sarong
                                                                                                                      III-1

No comments:

Post a Comment