Saturday 7 January 2012

Impeng Negro

Impeng Negro
ni Rogelio Sikat

Si Impen ay mula sa dukhang pamilya. Anak siya ng isang negrong sundalo na umiwan din sa kaniyang ina matapos siyang ipanganak. Ang kaniyang ina naman ay labandera at losyang na losyang na sa pag aalaga sa kanila. Mayroon din siyang tatlong kapatid ngunit iba’t-iba ang ama ng mga ito. Ang kanila namang tahanan ay barung-barung lamang at tagpi-tagpi pa.

Isang araw ay inutusan si Impen ng kaniyang ina na matapos mag-igib ay dumaan sa tindahan ni taba upang bumuli ng gatas. Ngunit bago umalis ay pinagbilinan siyang magpalit muna ng damit. Nasa  kahon sa sulok ng kanilang tahanan ang kamiseta nitong kulay lumot  at maluwag na din sa kaniya kasama ang iba pang damit ng kaniyang tatlong kapatid. Wala siyang maggawa kundi suotin ito dahil wala naman siyang madaming kamiseta.

Pagbalik sa batalan ay pasan na niya ang kargahan ng tubig. Habang patuloy siyang naglalakad ay humabol ng bilin ang kaniyang ina. Bilin nito na umiwas siya sa pakikipag away kay Ogor at huwag na lamang niya itong pansinin. Palaging ginagawa ng kaniyang ina na pagbilinan siya sa tuwing aalis ito. Lagi din namang isinasaisip ito ni Impen, ngunit sa tuwing si Ogor na ang maririnig nito at ang masasakit nitong panlalait sa kaniya ay hindi na siya nakapagtitimpi pa.

Si Ogor din ang kamakailang bumabag sa kaniya at nangunguna na tuksuhin siya na ginagawa namang sentro ng katuwaan ng iba pang agwador.
Noong unang away nila ay sinasagot pa niya ito ng “E, ano kung maitim?” ngunit ng tungkol na sa kaniyang ina at ama ng mga kapatid niya na ang pangungutya ay hindi na niya napagtitimpian pa si Ogor. Dahil dito, naging hamak ang tingin sa kaniyang ina at sa kanilang pamilya ng lahat. At mula sa binhi ng paghihimagsik sa puso at isip nito ay nagsimula nang umalimpuyo ang mga kutyang ito.

Habang naglalakad patungo sa gripong igiban ay natatanaw na nito ang mga ulong nakadungaw sa kaniya mula sa mga bintana ng mga tahanan. Wala mang sinasabi ang mga taong ito ay nababasa niya sa mga mata nila na isinisigaw nila ang salitang NEGRO!!!

Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Habang papalapit ay nakikita na niya ang grupo ng mga agwador at ang malalakas at matitining na halakhakan ng mga ito. Ngunit pumapa imbabaw ang tinig ni Ogor sa mga halakhakang ito. Si Ogor na palaging nangunguna sa pangungutya sa kaniya.

 Halos kasing edad lang din niya Ogor ngunit higit na mas matipuno at mataas sa kaniya ito.

Nang marating na niya ang gripo ay naka tungo ang ulo niya. Nagtungo siya sa dulo ng pila at doon ay marahang inalis niya ang pagkakakawit ng mga balde.
May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ni Impen na katumbas ng anim na karga at may isa pang nagpapaigib ng tubig sa kaniya. Malaki-laki rin naman kasi ang kinikita ng mga agwador tuwing tag-araw.

Inisip niyang tatanghaliin siya ng uwi habang binibilang ang mga balde sa dulo ng pila.

Di kalayuan ay may tindahan na tambayan din ng mga agwador. Sa langkay ng mga agwador ay natutok ang kaniyang paningin kay Ogor. Naka hubad ito ng baro at nakangisi. Inisip niyang maupo nalamang sa balde kahit katirikan ng araw ay titiisin na lamang niya hanggang sa narinig niya ang tinig ni Ogor. Nagsisimula nanaman ito sa pangungutya sa kaniya at sinusundan pa ng halakhakan ng iba pang agwador. Hindi niya nililingon si Ogor dahil inaalala din niya ang bilin ng kaniyang ina. Ngunit tila nakikita niya parin itong nakangisi.

Tinigilan din siya ni Ogor. Hindi parin umaalis si Impen sa pagkaka-upo sa balde. At habang tumatagal ay nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Upang mapawi ang init ay itinaas nito ang tirante ng kamiseta at hinipan-hipan ang dibdib. Isinawak din niya ang kaniyang  kamay sa tubig at binasa ang batok,ulo,balikat at bisig. Panandaliang nakadama siya ng ginhawa. Nang lumaon ay naramdaman nanaman niya ang matinding init sa kaniyang balat.

Muli niyang narinig ang tinig ni Ogor. Pagkakataon na nito na sumahod. At habang umiigib ay muli niyang nakita ang pagngisi nito
.
Para sa kaniya ay napakatagal ng pagkapuno ng balde ni Ogor. Kaya’t galak na lamang ang naramdaman niya ng makitang kinakawit na nito ang mga iniigibang balde. Inisip niyang huwag na sana itong bumalik.

Susunod narin siya. Sa wakas ay makasasahod na siya. Pagkatapos niyon ay mabibili na niya ang gatas para sa bunsong kapatid at maka uuwi narin siya. Ngunit habang inaantay ang pagkaalis ng huling balde ay muling nagbalik si Ogor. Hinawakan nito ang kaniyang balikat. Malapit lamang pala ang pinaghatidan nito. Gutom na raw siya kaya’t iginitgit nito ang kaniyang balde. Gusto niyang matapos na siya. Sinubukan ni impen na tumutol ngunit ginigitgit pa rin ni Ogor ang kaniyang balde.
Kaya’t nagsimula narin silang magtalo. Pinatid ni Ogor si Impen, kaya’t tumama ang pisngi nito sa nabitawang balde. Napasigaw siya sa sakit at bahagyang nagdilim ang paningin. Mangiyak-ngiyak at naginginig siya ng salatin ang biyak at duguang pisngi.

Natingala niya si Ogor habang tila ay nagbabalak na saktan siyang muli. Isinigaw ni Impen ang ngalan ni Ogor. Hindi minabuti ni Ogor ang pagsigaw ni Impen na ito kaya’t sinipa niya ito. Gumulong-gulong si Impen at nabuwal ang mga baldeng tinamaan sa pila. Paparami ng paparami ang mga tao, pumaligid ang mga ito sa kanila.

Bigla siyang napabaliktad. Muli niyang natanaw ang nakahihindik na itsura ni Ogor. Napapikit na lamang siya at naluha ng marinig ang nakahihindik na tawa nito. Isang malakas na sipa sa pigi. Napasigaw at naiyak na lamang siya sa sakit. Matagal din ng humupa ang sakit sa kaniyang pigi at hinihingal pa siya ng maka bangon.
Sa kabila ng sakit ay naalala niya ang lahat ng poot at galit niya kay Ogor. At kung bakit ganoon nalamang kung ituring siya nito.

At nang kaniyang matanaw na muling sisipain siya ni Ogor ay niyakap at kinagat niya ang paa nito. Bumagsak si Ogor. Nagyakapan sila at nagpagulong-gulong. Tumagal ang kanilang pagpapalitan ng suntok. Nang pumaibabaw na si Impeng ay walang tigil nitong pinagsusuntok si Ogor hanggang sa manghina ito at manlupaypay. Di nagtagal ay sumuko na din si Ogor.

Dahan-dahan siyang tumindig. Tahimik ang lahat. Walang naghahangas na tumutol sa kanilang nasaksihan. Galak ang kaniyang nadama ng matalo si Ogor. Napatunayan niya sa kaniyang sarili na mayroon siyang tinatagong tibay at tatag. Parang isang mandirigmang sugatan, tumindig siya ng buong tapang sa matinding sikat ng araw.



 Ibinuod ni:
Janica P. Toralballa III-1

No comments:

Post a Comment