Saturday 7 January 2012

PANGKAT 4 IMPENG NEGRO NI ROGELIO R. SIKAT


PANGKAT 4
IMPENG NEGRO
NI ROGELIO R. SIKAT
             Ang pangunahing tauhan ay si Impen , maitim ang kulay ng kanyang balat , siya ay 16 na taong gulang , isang taga-igib ng tubig . Ang ina ni Impen ay iniwan ng kanyang huling asawa habang ipinagbubuntis ang kanyang bunsong kapatid .Ang kanyang mga kapatid sa ibang ama ay sina , Kano , Boyet at Diding . Si Ogor naman ay isang matipunong lalaki na isa ring agwador na laging nanunukso kay Impen kasama ang iba pang mga agwador .
              Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.

                   Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang.

                 Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor.
 IBINUOD NI :
CATHY JANE TAGALOG
                                                                                                                         


No comments:

Post a Comment