Sunday 25 March 2012

"Proyekto sa Filipino" 

~Unang Markahan~


~Ikalawang Markahan~


~Ikatlong Markahan~



~Ikaapat na Markahan~

Mga Akda:

"Ang Pamana"

"Banyaga"

"Sinag sa Karimlan"
"Himala"
"Tata Selo"
"Kinagisnang Balon"
"Isang Punongkahoy"

Mga Kanta:

"Himala"
"Malayo pa ang Umaga"



Mga Takdang-Aralin:










Mga Gawain:






Slogan:





Tula:


"PUSONG LITO"

Lahat ito'y nag-umpisa sa kulitan,
ngunit di masabi ang nararamdaman.
Ito nga ba'y tunay na pagmamahal ?
sa isang taong walang pakialam.

Ako'y litong-lito, ano nga ba ito ?
Hindi ko mawari, ako'y gulung-gulo.
Ano ba ? Ano ba ? Sabihin mo na !
Meron man o wala, tapatin mo na.

Sa tuwing nakikita't nakakausap,
Para bang ako'y nasa alapaap.
Mga ipinapakita sa akin,
Pakiusap lamang iyong ayusin.

Sapagkat dadamdami'y madaling matangay,
Sa paglalambing na di alam king tunay.
Ikaw nga siguro'y aking minamahal.
Pagmamahal na di alam kung tunay.




Liham:

Mahal kong kaibigan,
      Una sa lahat, masaya akong nakilala't naging kaibigan kita. Salamat sa lahat lahat. At sana'y hanggang sa huli ay hindi magbago o mawala ang ating mga pinagsamahan at mga pagsasamahan pa. Maging masaya pa rin sana lagi tayo at manatiling tapat sa isa't-isa.
      Paumanhin nga rin po pala kung minsan ay nasosobrahan ako sa kulit at kung minsan din ay nagsusungit. Pero libos ang aking kagalakan nang sabihin mong gusto mo ang kakulitan ko. Salamat sa pang-uunawa at pagpapahalaga mo sa isang tulad ko. Sana rin balang araw makagala naman potayo. ^_^
      Hanggang dito na lamang. At muli, MARAMING SALAMAT ! MAHAL NA MAHAL PO KITA ! ^_^

Ang matalik mong kaibigan,
Shenna Hubilla Suralta III-1


Buhay 3rd Year:

"Palakaibagan"

      Parang kailan lang ay nasa elementarya pa lamang ako. At ngayon nga ay nasa sekondarya na. At hindi lang basta sa unang taon. Dahil ang una at ikalawa ay nalagpasan ko na. Sapagkat ako ngayon ay nasa ikatlong taon na. at matatawag nang isang "Jinior student". Ngunit bakit ganoon ? para bang napakabagal ng paglaki ko ? Tiloy ang tingin nila sa akin ay isang bata pa rin na nasa elementarya at naliligaw lamang. Nakakatawa na nakakatuwa. Ewan ko ba ? Ganoon lang talaga siguro.
      Buti nalang at nakakasabay ako sa mga matatangkad king kamag-aral. Naging masayahin ako at palakaibigan. Kahit noon pa man ay ganito na naman talaga ako. Dahil dito ay madami akong mga naging at nagiging kaibigan. At ngayon ngang taong ito ay marami na naman akong mga naging bagong kakilala. At hindi lang basta iyon, sapagkat mga kaibigan ko na sila. Maging ang mga naging bago naming kamag-aral ay madali kong nakasundo. Ang sarap talaga sa pakitamdam.
      At salamat din sa aming mga naging guro. Sapagkat napakarami talaga naming natutunan sa kanila. Hindi lang ng mga aralin, kundi pati rin ng mga tamang asal at magandang layunin sa buhay. Hindi ki maipagkakaila na napakaganda talaga ng mga nangyari sa taong ito. At hindi ko talaga malilimutan ang mga iyon.



Ipinasa ni:
Shenna H. Suralta
III-1

Ipinasa kay:
Gng. Marvilyn B. Mixto


No comments:

Post a Comment