Sunday 25 March 2012

Kristine S. Yadan III-1 
Silang Mga Kasama Ko


Pagpasok ko pa lang sa silid-aralan ay una kong napansin ang aking mga kaklase. Hindi ko alam kung kanino ako sasama, saan tatabi at makikipag-usap. Suguro nga ay naninibago pa ako sa mga oras na iyon. Kahit sa mga bago kong guro. Hindi ko naiwasang magtanong sa aking sarili. “Masungit kaya sila? , Magaling kaya silang magturo? , Sino kaya ang magiging malapit sa akin?” ilan ito sa mga tanong na balang araw ay masasagot ko rin.
Paglaon ng panahon ay marami din akong mga karanasan na sa ikatlong taon ko lang naranasan. Naranasan ko nang matulog ng madaling araw makagawa lang nang proyektong hinahabol kinabukasan. Siguro dito ko naranasan ang matinding paghihirap sa paggawa ng proyekto. Malaki kasi ang “expectations” ng aking mga guro sa amin dahil kabilang kami sa unang pangkat kaya hindi ako basta-bastang nagpapasa ng pangit ng proyekto.
Dito ko rin naranasan ang mga pinakamasasayang sandali kasama ang aking mga kaklase. Halos bawat “lesson” kasi ay may mga tawanang hindi nawawala sa usapan. Kaya sobrang saya ng bawat oras namin kasama ang aming mga guro dahil pati sila ay nakikisama rin.
Natutunan ko rin na dapat ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan, hindi lamang sa tulong ng iyong mga kaklase kundi sa tulong ng iyong sarili lamang. At ang pinakamahalagang aral na natutunan ko ay ang pagiging “independent” sa iyong kaklase at “dependent” sa iyong sariling kakayahan.
Nasagot ko na rin ang mga katanungang dati’y hindi ko masagot. Napatunayan kong hindi masungit ang aking mga guro. Katunayan pa nito’y para ko na silng mga ina, barkada o matalik na kaibigan. Bilib ako sa kanila dahil sa mga pagtitiyaga nila sa amin kahit masyado kaming pasaway. Minahal ko na silang lahat at hinding-hindi ko sila makakalimutan. Napaka propesyonal din kasi nilang mga guro at may mabuting puso rin para sa kanilang mga estudyante.
Marami rin akong mga naging kaibigan. Sila ang sumubok sa pagkatao ko. Nakasama ko sila sa hirap, ligaya at kalungkutan. Ang pinaka hindi ko makakalimutan ng naging kaibigan ko ay si Kuya Tan. Napakatahimik niya kasi at hindi ko akalain na mapapatawa ko pala siya. Sila ang mga nakasama ko buong taon ng pag-aaral sa ikatlong taon, silang komumpleto ng buhay “3rd year” ko.


No comments:

Post a Comment