Sunday 25 March 2012

project .... {sarmie} .... {tula} ♫♫♫♫♫

[tula]
Sa panaginip lang kita ?

sa aking paghimlay ay agad napikit 
pumasok ka sa isip ko ngunit bakit?
anu bang meron ka na wala sa iba?
puso kong pihikan  naakit muna

sa tabi ng dagat tayo ay nag hahabulan
nang matauhan ka ay ako'y iniwan
naupo ako sa buhanginan at doon naiyak
labis kong pagsinta ay iyong winasak

sa paglubog ng araw ako'y nalungkot
sa pagsapit ng dilim ako ay natakot
hinahanap-hanap kita upang ako'y bantayan
yakapi't hagkan ng takot ay mabawasan

sa kadiliman ng hating gabi
may nakita akong ginintuang karawahe
tumigil sa aking harapan at may bumabang lalaki
ang aking prinsipe at ang inaasahan kong lalaki

sa aking pagtulog ay ako'y nagising 
nawala ang antok naputol ang himbing
sa aking pagtayo ako'y natulala
biglan natanto sa panaginip lang pala kita nakita



                                        
   








No comments:

Post a Comment