Monday 26 March 2012

Sarong

Ikaapat na Markahan

     Isang Punongkahoy

   Islogan 

            Mga Kakayahan at Kapaki-pakinabang na Kurso

 Liham

Malayo pa ang Umaga

 teorya

    Padron ng Buhay

       Pamana


Ikatlong Markahan



Ikalawang Markahan


__________________________________________________________________________________
Sa Alapaap na lang...
ni Danilo Carlo S. Sarong

Noong una ko pa lamang ika'y masumpungan,
alam kong pag-ibig na aking naramdaman.
Aking puso'y tumigil sa kanyang pagtibok,
gayong maraming balakid, puno ng pagsubok.

Ako noo'y tila isang bulaklak sa gitna ng disyerto,
nag-iisa sa kawalan at lanta na ng buo.
Ngunit, ika'y dumating sakay ng puting kabayo,
akala koy itatapon ngunit nilagay pa sa paso.

Minsan tinanong ko sa sarili kung totoo ka ba ?
o isa lang imahe sa imahinasyon ko'y nakikita ?
Minsan rin napagtanto, maaari bang maganap
na bumaba sa lupa ang araw na galing sa alapaap.

Alam kong hindi maaari, alam kong malabo,
na umibig ang dukha sa haring sa trono'y nakaupo.
Ngunit huwag mag-alala, handa akong maghintay,
abangan ang iyong pagbabalik, kahit ako'y nakaratay.
________________________________________________________________________
Pamumukadkad ng Aking Pagkatao
ni Danilo Carlo Sarong

Sa pagtapak ko sa apat na sulok ng paaralan, agad kong hinanap ang mga taong naging kasama ko bago ako makarating sa silid-aralang ito. Sa unang pagkakataon, wala akong nadamang kaba o pagkabalisa. Pananabik ang nangibabaw sa aking isipan. Pananabik na ipakilala ang aking sarili sa karamihan. Pananabik na makakilala ng bagong kaibigan.

Sa una, isa akong bagong sibol na bulaklak. Hindi pa malawak ang aking kaalaman sa iba't ibang mukha ng Taong ito. Habang lumilipas at nagsimula ang bagong araw, unti-unti akong nalanta, unti-unting natuyo. Saka ko pa lamang napagtanto ang mga pagsubok ng Ikatlong Taon. Mga pagsubok na haharapin ko sa aking pag-abante sa buhay.

Dito ko naranasan ang tindi ng pag-aaral. Tambak sa mga takdang-aralin, mga proyekto at kung anu-ano pa. Idagdag mo pa ang mga kaklase mong makulit at pasaway. Sa Taon ring ito, puno ng iba't ibang klase ng tao, nandyan yung mahilig pumuna sa mali mo, mayayabang, mapanlait at kung anu-ano pa. Tunay nga namang puno ng surpresa ang pagiging isa sa mag-aaral ng Ikatlong Taon.

Bagama't, maraming mga balakid ang ibinabato sa akin, nariyan naman ang mga taong nagdidilig sa lantang ako. Nariyan sila 'pag kinakailangan ko sila. Naghahanap ng oras para tumawa at pagtawanan ang isa't isa. Unti-unting nawawala ang mga hirap na namuo sa akin. Mga bagay na nagpapatigil sa aking pamumukadkad.

Ito ang pagsasalaysay ko sa aking kwento. Mga bagay na naranasan ko sa loob ng isang taon. Ngayon handa na akong umungos patungo sa huling yugto ng sekondarya. Nawa'y yumabong pa ako bago tumapak sa pasilyo ng kolehiyo.


No comments:

Post a Comment