Friday 23 March 2012

Salaysay


Bukang Liwayway
ni Janica P. Toralballa

Sabay sa pagsikat ng araw ang panibagong yugto ng aking buhay. Ang aking buhay bilang isang tunay at ganap na mag-aaral sa ikatlong taon.
Parang kahapon lamang ay ikalawang taon pa lamang  kami ngunit ngayon ay nandito na naman kami at magkakasama. Halos walang pinagbago sa amin, kami pa rin ang makukulit, maiingay, at isip-batang pangkat ng mga mag-aaral.
         Hindi pa rin nawawala ang mga kalokohan namin sa tuwing kami ay magkakasama. Dagdagan pa ng mga bagong kamag-aral na madali din naman naming nakasundo. Nakadagdag pa sa ligaya ang makilala at makasama ang mga bagong guro na walang sawa sa pagpapaalala.
         Ilan lamang iyan sa mga masasaya,nakatatawa, nakakapagod, at talaga namang hindi ko malilimutang mga karanasan sa aking buhay bilang mag-aaral sa ikatlong taon pangkat isa.



No comments:

Post a Comment