Sunday 25 March 2012

Manuel Joseph S. Tan III-1 Mapaglarong Mundo

 Mapaglarong Mundo


Lumaki akong walang kaibigan
Ako rin ay sanay nang masaktan,
Kaya ganito ang kinahantungan
Buhay ko'y walang kabuluhan.

Mula noong ako'y bata pa
Ang mg tao'y itinuturing mababa,
Ang pagmamahal ay hindi ko na ginawa
Dahil kaaway ang turing ko sa kanila.

Ngayong may laman na ang aking isipan
Maraming pagsubok na ang nararanasan,
Ang taong aking kinaiinisan
Ay nais ko nang bigyan ng kapatawaran.

Sa kadahilanang hindi na makita
Wala na akong nagawa,
Kaya ang aking huling pasya 
Mabuti na sa askin ang mag-isa.

No comments:

Post a Comment