Sunday 25 March 2012

Manuel Joseph S. Tan III-1 Ikatlong Taon

 Ikatlong Taon
     Unang araw ng klase sa ikatlong taon,nagmula ako sa mababang pangkat na himalang nakatuntong sa mas mataas na pangkat,ang Section 1.Iba't-ibang uri ng tao ang nandito: may hari,may alipin,may Albert Einstein,may artista,may ingglisera,may anghel,may makakapal ang mukha,may mga halamang dagat at may mga payaso.Ako ang pinaka-kakaibang estudyante sa klaseng ito.Halatang-halata ito sa kilos ko,sa pananalita ko at sa pag-iisip ko.Sa unang araw na ito ibang klase rin ang nasaksihan ko sa loob at labas ng silid-aralan.
     Kapag sinabing Section 1 papasok kaagad sa isip mo ang mga salitang matalino,mabait,responsable,malinis at higit sa lahat ay edukado.Sa unang araw pa lang ay nagpakitang gilas na ang mga mag-aaral na muntik ko nang ikamatay dahil sa kabang dumadaloy sa aking katawan.Doon ay nalaman ko na mahirap palang makipaglaro sa mga estudyanteng ito.Sa halip na mawalan ng pag-asa sinikap ko pa ring sipain ang sarili ko upang magising sa katotohanan.Isa na pala akong Section 1 at kailangan ko nang harapin ang anumang pagsubok na syang humaharang sa akin.
     Isa sa hindi ko makakalimutanng araw ay noong pinagawa kami ng iskrip tungkol sa loob ng paaralan (at gagawin namin iyon sa loob ng maikling oras kaya dapat mabilis kang mag-isip ng istorya).Sa kasamaang palad, may kung anong gumugulo sa isipan ko noon kaya hindi ko na magawang makapag-isip ng matinong istorya.Natapos na ang oras pero hindi pa rin ako tapos kaya pinutol ko na ang istorya at dali-daling ginawan ng ending ang Obra Maestra ko.Kinabukasan,alam ko na kaagad na hindi magugustuhan ni Ma'am yung iskrip kaya ikinuewnto nya sa buong klase ang istorya nito at kung paano sya naasar sa ginawa ko.Mabuti na lang at binigyan pa niya ako ng pag-asang baguhin ang iskrip ng Sino'ng May-Sala na naging iskrip ng Mahalagang Makinig.
     Tungkol naman sa mga classmates ko,marami-rami na rin ang mga naobserbahan ko sa kanila.Uso rin pala ang bayanihan sa Section 1 dahil ang bawat isa ay may kalayaang kumopya at magpakopya ng sagot sa iba.Hindi ko nagustuhan ang bagay na ito kaya hindi ako sumali sa bayanihang ito.Subalit hindi ko pa rin naiwasang kumopya dahil na rin sa pansarili kong pangangailangan.Dito ay nalaman ko na hindi pala masayang gamitin ang bagay na hindi mo naman talaga pinaghirapan kaya agad ko ring itinigil ang gawaing ito.
     Sa loob ng 1st Grading,2nd Grading,3rd Grading at 4th Grading nakasama ko ang mga kamag-aral kong mahilig mag-noise barrage sa loob ng klase (maging sa library).Nalaman kong hindi maganda ang magkaroon ng maraming kaibigan.Mas maganda pa rin ang magkaroon ng imaginary friend dahil nanggagaling ito sa iyong isipan.Sa lahat ng ito,nagpapasalamat ako sa mga guro,sa mga mag-aaral at sa buong paaralan.Masasabi kong mahusay talagang maglaro ang Section 1 at muli akong nagpapasalamat sa inyong lahat.


-Manuel Joseph S. Tan III-1

No comments:

Post a Comment