Sunday 25 March 2012

 Sa Ngayon,sa Kahapon at sa Bukas

        Sa unang pagtapak sa isang silid-aralan ako ay nakaramdam ng hiya na di ko pa nararanasan.Sa ilang saglit na nagdaan may pumuntang guro na di ko inaasahan at kami biglang tinawag para pumunta sa kweba na puno ng paninda.At nais ko sana isambit sa gurong pumunta na ako ay bagong salta lamang nais ko sanang pakiramdaman ang bagong mundo kong gagalawan.        Sa paglipas ng panahon,unti-unting kong naramdaman ang kaligayahan na dati ko pang hinahanap.Sa ilang buwan na aking itinagal sa posas ng pangkat na ito may nakilala ako na kaibigang tunay.Sa kalaunan ako ay nakaramdam ng unos pero mabilis namang  naglahong parang bula dahil sa mga taong nariyan para ako'y damayan.                                                                            Sa bilis ng pag-ikot ng mundo lalo ko sila nakilala merong kwela, seryoso, prangka, bastos, maingay at tanimik.Pero  di ko maiwaksi sa aking isipan na merong tao nar'yan dahil sa mga papel na nakadikit sa'yo.Sa katunayan maganda ang mga eksena ang mga naganap sa taong ito sapagkat lalo ko pang napatunayan ang aking sarili na maraming pakpak na nakakabit sa aking likod.                                                                                      Sa pag-agos ng aking  ilog papuntang pangpang ay nakaramdam muna ng unos na nagbigay sa akin ng katatagan at lakas na kaya ko itong agusan.Di lahat ng ito ay mangyayari kung wala ang mga pakpak at helmet na sumalag sa akin.Sa pagpasok ng bagong taon maraming tao ang nagbago sa pag-uugali at sa emosyonal.Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay katulad ng paglipad ng langay- langayan sa alapaap ay makakaramdam ako ng unos na dapat kong harapin at tapusin para bigyan ako ng lakas at pag-asa.

                                                                               roberto ricafranca                                        


    1 comment: